dionnece
read my profile
sign my guestbook

Visit dionnece's Xanga Site!

Name: dionne


Interests: doing things-that-does-you-no-good-but-you-do-it-anyway-just-so-you-can-say-you-did-it-all
Expertise: falling for sum1 who doesn't care
Occupation: Student
Industry: Medical


Message: message me


Member Since: 6/8/2004

SubscriptionsSites I Read

Blogrings
TeenTalkers
previous - random - next

PinKaLiCiOuS
previous - random - next

.+.:Harry Potter:.+.
previous - random - next

.:.FiLiPiNo PriDe!.:.
previous - random - next

JESUS is my homeboy
previous - random - next

createBlog.com
previous - random - next

Tagalog Lang
previous - random - next


Posting Calendar

|<< oldest | newest >>|
view all weblog archives

Get Involved!

Suggest a link

Recommend to friend

Create a site

Wednesday, September 05, 2007

Ika'y mapanlinlang.

It just dawned on me how much he played with my feelings. I can't quite believe how dumb I've been. In fact, I don't want to believe how dumb I've been. There were so many hints. So many goddam hints that I'm not the one he wants to be with, but I overlooked all that, chose to overlook all that, and contented myself with the fact that I'm the one he's with.


::"That was the problem, you see. I looked at the long term. I knew we wouldn't work out, so I avoided her. But then she thought I don't like her anymore."
//"Why do you always look so far?"
-
::"You never told me they were on the airport that day."
//"I didn't?"
::"No you didn't. If you did we could have sent her parents with her."
-
::"Hey, so how is she doing?"
//"Oh, I dunno. I rarely catch up with her nowadays."
::"I think you should catch up soon, ask how she is and all.."
//"Maybe you should."
::"Yeah, maybe I should.."
-
//"So how is she?"
::"Huh? Who?"
//"I saw you talking to her. So how is she?"
::"Oh, umm... you know."
//"No I don't"
::"Are you ok?"
//"I'll be fine.."
-

I'd really want to cry again but I know it's just not worth it. I just don't want to feel for him anymore. I want to hate him, I really do. I want to be detached from all these feelings for him before everything else make sense and cause me a much unbearable pain.


Tuesday, August 28, 2007

Oh pagibig ako'y binihag mo.

I can't do anything useful right now. I miss him.
I miss him. I love him.
I can't even blog properly.
Minsan tinatanong ko sarili ko, bakit pagdating sa pagibig lagi kang talunan? Bakit pagdating sa lalake, sadyang hindi mo alam ang marapat na gawin? Tangna naman kasi eh. Tinamaan ako sa kanya. Pero kasalanan ko pa ba yun kung binigyan niya 'ko ng pagasa? Kasalanan ko ba kung pinaniwala niya kong pwede nya rin akong mahalin? Kasalanan ko ba kung nahulog ako dahil sa lambing ng kanyang mga salita, sa gaan ng kanyang mga haplos at sa ganda ng kanyang mga mata? Tangna naman kasi eh. Tao lang ako. Mahina, madaling bihagin ang aking mumunting puso.
At ngayon nasaan ako? Nandito, pagkatapos ng ilang gabing iyakan, pagkatapos sabihin sa sarili na kaya mo ito, maraming beses ka nang dumaan dito. Ngunit iyon na nga ang problema. Maraming beses na. Tangna. Kahit kelan hindi ako natuto. Ang hirap kasi sakin ang bilis kong magtiwala. And bilis kong umasa. Kaya yun. Mabilis ding masaktan.

Pero para sakin, mas gugustuhin ko nang masaktan batid na ako'y umasa na ako'y liligaya. Mas gugustuhin ko ito kesa patuloy na magdala ng hinanakit, takot magmahal. Siguro nga ay mahina ako. Pero pagibig, hindi ako duwag.


Saturday, August 19, 2006

Isang beses sa buhay mo, may darating na isang taong sadyang hindi mo kayang limutin. Isang taong magpaparamdam sayo kung gaano ka kahalaga. Isang taong magtuturo sayo ng mga bagay-bagay at magiiwan ng maraming alaala. Darating at darating siya. Hindi mo maiiwasan. Ngunit katulad ng lahat ng pagdating, palaging kasunod nito ay ang paglisan.

Masuwerte ka kung darating sya sa mga panahong matibay ka na. Kung darating sya sa mga panahong naranasan mo na ang lahat at alam mong kayang-kaya mo kahit na mawala sya, bagamat hindi mo siya makakalimutan, kahit papaano ay kaya mong ipagpatuloy ang iyong buhay na nakagisnan.

Ngunit papaano kung dumating siya noong mga panahong hindi pa malinaw ang lahat. Noong mga panahong akala mo'y lahat ng nasa paligid mo ay totoo. Noong ang munti mong isip at puso ay pinaniwala kang habang buhay na mananatili ang mga nasa paligid mo. Masakit ito kapag nangyari. Hindi mo alam kung ano ang dapat mong gawin sa oras na lumisan siya. Hindi mo alam kung saan ka magsisimula, dahil sa buong buhay mo, hanggang sa abot ng iyong alaala, naandoon siya. Dahil sa lahat ng bagay sa paligid mo, mula sa iyong sarili hanggang sa mga bagay na ni hindi mo napapansin noon, kabilang na siya. Mahirap. Masakit. At palagi mong tatanungin ang iyong sarili: Bakit?

Ngunit bakit nga ba?

Ako man ay naguguluhan din. Sabi nila, may dahilan ang lahat. May plano ang Kataastaasan para sa atin. Sabi nila kung ano man ang kinuha sayo ngayon, iyo ring makakamtan bukas.  Ngunit kailan ang bukas? Tila hindi ito dumarating.

Ngunit sa pasakit na aking dinadala ngayon, siguro'y akin na lamang paaasahin ang aking sarili, na ang bukas, anuman ang mangyari, ay darating at darating din.


Monday, May 29, 2006

Inyo po akong bisitahin sa : Multiply

Salamat.


Saturday, May 20, 2006

Nakilala ko siya nung mga panahong simple pa ang lahat. Wala pa yang mga tropa-tropa na yan. Nung mga panahong may sarili pa kaming maliit na mundo na umiikot lang sa mga munting bagay na nakapagpapasaya sa'min. Nakilala ko siya nung mga panahong kilala rin niya ang sarili niya. Nung mga panahong hindi pa siya naguguluhan. Nung mga panahong siya mismo ang may alam kung ano ang gusto niya. Nung mga panahong walang tumutulak sa kanya kung alin ang dapat piliin at sundin.

Hindi ko naman sinasabing hindi niya gusto ang lahat ng ito. Kung ano man siya ngayon, yun ay dahil ginusto niya rin. Ngunit hindi rin ibig sabihin na dahil ginusto niya, pinili niya. Wala na siyang ibang pagpipilian. Iyon siya. Iyon ang mundo niya. Nagbago na ang lahat. Nagkanya-kanyang landas ang noo'y nasa iisang mundo. At kung saan man kami napunta ay hindi namin hiniling, ngunit sa mga nagdaang panahon ay natutunan nalang naming tanggapin.

Saan ba tutungo ang lahat ng ito?

Siguro kaya kahit gaano karami pa ang taong lumipas, mayroon pa rin kaming pagkakaisa. Nandoon pa rin yung pakiramdam na minsan, kilala namin ang sarili namin at kilala namin ang isa't isa. Na minsan, nabuhay kami nang walang pagkukunwari. Na minsan, nagpalitan kami ng mga pangarap na tila mananatiling pangarap na lamang. Siguro dahil dito kaya namin patuloy na hinahanap ang isa't isa. Dahil dito kaya namin pilit na hinahawakan ang nakaraan. Dahil dito kaya't hindi namin mapakawalan ang nakalipas. At dahil dito kaya't patuloy naming binabalikbalikan and mga pangyayari kahit na sa proseso kami ay nasasaktan lamang.

Kung babalik ako at sisilip sa buhay na tinatahak niya ngayon, ang tanging makikita ko ay isang taong pilit na hinahanap kung sino ba siya talaga. Isang taong walang ideya kung saan at kung kanino siya tutungo. Sa kabilang banda, makikita ko rin ang taong alam ko ay para sa akin, at sa akin lamang. Makikita ko ang hinaharap. Ang hinaharap na darating at darating anuman ang mangyari. Nasa kanya iyon. At sa pagtingin ko sa kanyang mga mata, alam ko, sigurado ako, na pareho kami ng nakikita.



Next 5 >>

support Createblog.com!